#RandomThoughts03

June 10, 2017
9:47PM
tumblr_or9kaqfs5H1rm02llo1_1280So I went through my Grade 10 stuff (again) because I was looking for my birth and baptismal certificate. Grabe, nakakamiss din palang pumasok sa Liceo. Hahaha! Pa-chill chill lang din life ko nung JHS eh. Haha.

Grabe, ang bilis ng araw. Grade 12 na ako. Kung anu-ano na pumapasok sa isip ko:

“Saan nga ba ako papasok ng kolehiyo?”
“Makakapasa kaya ako sa mga pagkukuhanan kong mga entrance exams?”
“Buo na ba desisyon ko na Communication Arts kukunin ko?”
“Bakit ang bilis ng panahon?”
“Magiging maganda kaya future ko?”

Habang tinititigan ko yung class pictures namin, Grade 7- St. Anthony, 2A, 3A pati 4A, naisip ko sila, mga dati kong kaklase, na kung anong mga course ang kukunin nila tsaka kung saan din sila mag-aaral, kung makakapag-bonding pa ba kami katulad ng dati at kung magiging maayos ba ang kanilang buhay sa kolehiyo at sa future. Medyo namimiss ko na rin mga pagmumukha ng mga dati kong classmates. Haha. Sana makita ko ulit sila, pati mga hindi ko ka-close at mga kinaayawan ko noon. Basta lahat sila. Haha. Kahit isang araw lang na puno ng kwentuhan, tawanan at asaran.

So ayun, ang dami kong naisip habang tinitignan ko isa-isa ‘yung mga pagmumukha nila. Naisip ko ring, “ay dati parang ganito ‘to, ngayon wow iba na siya!”, “dati ayaw ko dito, ngayon close na kami.”, “parang dati lang close kami, ngayon hindi na masyado.” … yung mga ganung bagay ba.

Sana maging successful kaming lahat sa buhay at sana maging maayos at maganda ang mga magiging desisyon namin para sa aming ihaharap na nalalapit na realidad (kahit medyo malayo pa, lol).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s