nagparamdam muli si ex-crush.

Hunyo 06, 2017
10:35AM

Processed with VSCO with s2 preset

Ilang araw at buwan na rin tayo hindi nag-uusap matapos ang ating maliit na tampuhan. Ewan ko ba, tampuhan lang naman yung nangyari pero hindi ko alam kung bakit umabot pa sa ganitong sitwasyon na hindi na tayo nag-uusap. Sabi mo “ge last chat ko na ‘to”, pero ikaw din naman pala yung magchachat lagi.

Naalala ko yung mga araw at gabi na lagi tayong magkausap sa Messenger, kilig na kilig ako nun. Iba yung dala mo sa aking ligaya lalo nung nag-offer ka sa akin ng hug. Inaasar mo ako lagi at sinusungitan pero hindi ko alam kung anong meron at kinikilig ako.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkagusto sa’yo. Simula nung nagkasama tayo sa isang event sa school, nagandahan ako sa’yo at humanga ako sa talino at talentong taglay mo.

Nagkatext pa nga tayo nun kasi choirmates tayo. Nasabi mong soprano ka, tapos ako bass. Baguhan pa lang ako sa choir nun kaya ikaw yung nag-mistulang gabay sa akin sa choir para makilala ko mga iba nating choirmates.

Isang beses nagulat ako kasi tumatawag ka habang nagvi-victory group ako. Inalok mo ako na sumali sa inyong kompetisyon dahil nawalan kayo ng isang kalahok sa inyong grupo. Pumayag naman ako.

So ayun nga, nagdaan yung kompetisyon. Hindi man tayo pinalad na manalo pero masaya ako. Hindi lang dahil sa bagong ekspiryensya, kundi alam kong nahuhulog na ako sa’yo.

Matapos nga nung kompetisyon, hindi na tayo masyadong nakakapagtext, chat at usap. Pakiramdam ko nga iniiwasan mo ako tuwing magkakasalubong tayo. Lalong lumalim ang pagkahumaling ko sa iyo. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na baliw na baliw ako sa’yo at handa kitang ligawan kung may pag-asa man ako.

Ngunit binabalaan din ako ng mga kaibigan ko na huwag ako masyadong ma-in love sa iyo dahil maaaring masaktan ulit ako sa pag-ibig.

Sinunod ko sila pero nanatili ka pa rin sa aking isipan at damdamin.

Alam kong hindi pagkahaling ang nararamdaman ko sa’yo; hindi ko alam pero… ayun nga, mahal na ata kita. Minahal kita.

Nakapag-usap nga muli tayo nung mga unang linggo ng Abril. Nagtapat nga talaga ako sa’yo nun pero pilit mong tinanggihan na hindi kita gusto. Akala mo lang yun.

Pagkatapos nun, hindi na tayo nag-usap.

June 05, 2017. Ngayon at nagparamdam ka ulit, ewan ko pero big deal sa akin yung mga araw na hindi tayo nag-uusap. Parang nakakawalang-gana ka ulit kausap. Naalala ko nanaman yung mga araw na kinikilig ako at yung mga ngiti sa labi ko’y ikaw may pakana.

Ang dami na nating napagusapan sa chat box natin. Nagkakamustahan tayo, humihingi ka ng tawad pati sinabi mong namiss mo nga ako. Hindi ko alam kung totoo ‘yun, pero kapani-paniwala naman ‘yung mga binibitawan mong salita.

Processed with VSCO with s2 preset

Nagbibiruan pa nga tayo katulad nang ginagawa natin dati. Nakakatuwa lang isipin na habang nagshashare ako na kukuha ako ng entrance exam sa UP, UST at PUP, ini-motivate mo pa ako na kakayanin ko at laging magdasal at magtiwala.

Namiss din naman kita.

Ngayong Grade 12, hindi na tayo masyadong magkikita. MWF schedule ko tapos ikaw TThS. I will miss you.

Pero ayoko nang umasa.
Ayoko nang pinapaasa ako.

Kaya mas magandang lumayo na lang ako, kesa sa masaktan at umasa at magbubulag-bulagan na imposibleng magustuhan mo ako pabalik.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s