Pagsusumikap ng Isang Mag-aaral

Hayskul?

12170521_1027335043967651_634961195_n

Sabi nga nila heto daw yung pinakamasayang bahagi ng pag-aaral. Dito nabubuo yung tinatawag nating barkada. Dito rin nabubuo yung mga masasayang samahan, mga pangyayaring tumatatak sa ating isip, maganda man o masamang ala-ala. Ligawan dito, ligawan doon, away dito, away doon, tawa dito, tawa doon at mga iba pang ala-alang hinding hindi natin makakalimutan.

12165823_1027335110634311_1192778814_n
Ang Baitang 7- San Antonio de Padua 2012-2013, na nagwagi sa ginanap na “field demonstration” noong ika-33 na foundation day.

12170238_1027335070634315_1142832333_nTaong 2012, sa aming unang pagpasok dito sa paaralang Liceo de Cabuyao, kami ay nakaramdam ng matinding kaba dahil iba na namang karanasan ang darating sa aming buhay. Para bang “back to zero” ang lahat. Bagong paaralan, bagong mga kaibigan, bagong 12166983_1027335083967647_1675644474_nmga guro, bagong mga kaklase at bagong simula. Sa unang araw ng klase, kinaugalian ang pagpapakilala sa harap ng buong klase, minsan ay nagiging hamon ito sa bawat isa dahil nahihiya ka pa sa iyong mga kamag-aral pero ito’y isang paraan para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sa paglipas ng mga araw, nandiyan na ‘yung mga kumpol- kumpol na mag-aaral sa sulok ng silid-aralan, ‘yung mga panahon para mas makilala ang bawat isa. Hanggang sa magkaroon ng iba’t ibang klaseng kompetisyon, ma-pa indibidwal man o grupo, dahil sa pagkakaisa, pagsuporta at pagtitiwala ng bawat isa ay naipapanalo naming ito.

12170530_1027335127300976_1106444162_n
Ang isang pagsubok na hinaharap ng mga estudyante– ang pagsusulit.

Kada buwan ay isang malaking pagsubok ang dumadating sa atin. Ito ay ang araw ng pagsusulit. Kailangan natin ng puspusang pagbabalik-aral sa mga leksyong itinuro sa atin para makapasa rito. Alam kong dumaan tayo sa punto na kahit nag-aral tayong mabuti at alam nating ibinigay natin ang lahat para dito ay hindi natin masagot ang ilang mga katanungan, minsan ay sumasagi sa ating isipan ang mangopya sa ating mga kamag-aral kahit na alam nating mali ito. Wala naming mangongopya kung walang magpapakopya. Naniniwala naman ako na kaya natin ito basta may tiwala tayo sa ating sarili. Samu’t-saring sanaysay at mga proyekto ang ating ginagawa. May mga pagkakataong nagkakasabay-sabay pa ito. Kahit mapuyat pa tayo basta ay maipasa lamang ito sa takdang oras. Lahat ay ating gagawin makakuha lamang ng magandang marka.

Dito rin naglalabasan ang mga “artist”, mga kaklase nating magaling gumuhit, magpinta at marami pang iba. Sila ‘yung mga kaklase nating ating nilalapitan kapag tayo ay may ipapaguhit, dahil hindi naman lahat tayo ay nabigyan ng ganoong talento. Hindi rin mawawala sa isang klase ang mga kamag-aral nating palabiro, mga kaklase natin na kapag nagbiro ay nakawawala ng antok at pagod lalo na kapag masyadong seryoso ang leksyon. Sila yung mga taong bumubuo ng araw natin, sabi nga nila nakasasama na kapag sobra.

12166404_1027334947300994_1147404508_n
Baitang 10- San Policarpo

Sa kasalukuyan, kami ay nasa ika-sampung baitang na, kami na yung mga ate at kuya sa aming paaralan. Marami na rin kaming nakakasalamuhang estudyante sa iba’t-ibang lebel. Bilang ate at kuya, kami dapat ‘yung maging huwarang mag-aaral para sa kanila. Huwag magbulakbol. Mag-aral ng mabuti. Bago dumating ang araw ng aming pagtatapos, hangad naming ang mga magagandang memorya na mangyayari kasama ang aming mga kaibigan. Huwag rin tayong makalimot na magpasalamat sa ating pamilya na walang sawang sumuporta sa atin para maabot kung ano man tayo ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s